♥♥♥ FEATURED PLAYLIST ♥♥♥

Friday, December 18, 2009

BOB ONG TIPS

CREDITS sa mga napagresearch ko nito. enjoy!

tips para di ka magsisi sa huli:

* kung di ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang xa e patigilin mo na. kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. mas maganda kung ienjoy mo muna ang buhay single. mahirap na bumalik sa mundo ng single ng hindi ka injured. suportahan mo kami. NO TO BOYS! :)))

* isipin mo ang history ng manliligaw mo. kung mabilis xa magpalit at magsawa noon, nako. magisip ka na. di tayo mga damit na kapag madumi na e magpapalit lang.

* pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. mas maganda kung alam mu yung panig nilang dalawa. malay mo nagsisinungaling yung isa. db? haha. dun mo malalaman kung good boy talaga xa o hindi.

* kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na xa para sa commitment. hindi lang kasal ang bawal iluwa pag mainit. tandaan mo yan.

* siguraduhin mo na nakapag move on na talaga xa sa ex niya ha! nako. wala akong masabi sa mga lalaking ganito.

* wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. sabihin mo na ipakita niya by actions hindi sa mga mabulaklak na salita lamang.

* hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngaun e mahal ka na niya. ul*l! magisip ka nga. baka di mo alam ang pera at oras na masasayang mo kapag iniwan ka nyan. hahaha!

* di porke pinili ka niya ngaun e ikaw na talaga ang mahal niya. siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.

* wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelanman. wag mong ibigay lahat. in short, tikim tikim lang. :))

* magingat sa mga libre at bigay sayo. baka pag tapos na ang lahat sa inyo at magsumbatan kayo, e magulat ka na lang na loan pala yun at kelangan mong bayaran. may tubo pa.

* kung nagiisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sau e picture nio. ung malaki ha. ung hapi kaung dalawa. ung PINAKA maganda niong pic ever. para kapag naghiwalay kau at sa tuwing nakikita niya un e manghihinayang siya sau na tipong masasabi niya sa sarili nia, 'SAYANG pinakawalan ko pa itong perfect girl na ito.' oh well. haha.

* bumili ka ng katalinuhan. oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging t*nga. sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakat*nga ka sa walang kwentang lalaki.

* magimbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo. kelangan un.

* wag akuin ang di mo kasalanan. kapag nasanay xa, aabusuhin niya un. magmumukha kang kawawa. eww.

* lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya, hindi kailanman sasagi sa isip niya na saktan ka. kung tunay syang lalaki, may paki sya sa nararamdaman mo at sa relasyon niyo.



TANDAAN MO pagdating sa break up:

* pag sinabi nilang kelangan nila ng time ang ibig sabihin nun e kelangan nila ng time para makapag hanap. di totoo na hahanapin nila ang sarli nila. ibang bagay ang gusto nilang hanapin. at di nila yun nahanap sau.

* "kaya sila gmgawa ng mga stupid reasons kasi ayaw nila tayong masaktan.."

* "..pero hindi nila alam mas nasasaktan tayo ng bonggang bongga!" --sabi ng taong itago na lang natin sa pangalang liit. :))

* pag sinabi na nilang namimiss na nila ang sarili nila, ibig sabihin nun nasasakal na sila sau. madame kang sigurong limitations. marami xang di nagagawa dahil sau. ganun kasimple.

* kaya nambababae ang mga lalaki ay dahil sawa na sila sau. gusto nila magexplore ng iba.

* pag nakipag hiwalay sau na walang matinong dahilan, haha, malamang bakla un.

* lahat ng lalaki tumitingin sa iba. tama ang nabasa mo. LAHAT. di man nila aminin pero ganun un. darating at darating ang point na mapapatingin sila sa iba. pero yung iba hanggang tingin lang. un ang good boy! pero totoo nga un. kaya nga tayo may peripheral vision diba? para di mahalata na nasa iba yung tingin. tama ba? tsaka sadyang ginawa ang mata ng mga lalaki na mabilis. well, ginawa namang mabilis ang utak ng mga babae. hahaha!



tips kapag nagsisi ka na:

* hello? di pa katapusan ng mundo. THERE ARE MANY FISH IN THE SEA. maganda ka. maniwala ka sa nanay mo.

* normal na umiyak ka. pero wag naman sa harap niya na with matching tulo pa ng sipon ha. ampanget. swear!

* wag kang makikinig sa mga slow na song na tipong sinasampal sayo ung mga lyrics.

* maniwala ka sa kasabihang, "new haircut, new boyfriend" baka naman hiniwalayan ka dahil sa buhok mong pagkaganda ganda!

* wag kang magpuyat sa kakaiyak. baka madaig mo pa ang patay sa lalim ng mata mo. maawa ka naman sa sarili mo.

* wag kang magmukmok. lumabas kau ng friends mo. malay mo nasa mall ang man of your dreams.

* wag mo syang burahin sa YM at friendster mo. pustahan di ka makakatiis nyan. di mo mapipigilang magtanong sa kaibigan mo kung anong stat msg nya, kung ol ba xa, kung sino nacocomments sa kaya at sino ang mga featured friends niya. ung*s! nangiistorbo ka sa buhay ng may buhay. bura bura epek ka pa dyan e kabisado mo naman. ikaw yung magmumukhang loser sa pag add mu uli sa kanya.

* wag na wag kang magpapapansin sa YM. wag ka maglagay ng mga paawang epek na stat msg or magON and OFFline ka ng ilang beses dyan. ikaw lang ang magmumukhang tanga. loser!

* iwasan ang paglalagay sa group message ng bitter quotes at special mentions na malalandi ung tipong lahat e para sa lalaki. wag mo nang daanin sa group message! sabihin mo na lang sa harap niya. hahaha!

* wag mo na din itry na burahin yung number niya. alam nating lahat na kabisado mo yan.

* tandaan mo na tao lang xa. hindi xa perpekto. hindi xa hangin na kelangan mo sa araw araw at minuminuto. kung yaw mo maniwala, adik ka g*go!

* wag sasabak sa sumbatan ng wala kang armas at kung alam mong dehado ka. para din yang intermission number. bongga ka kung mei hayop kang entrance at exit. :))

* kung gusto mo talagang magpakamatay, bahala ka. lugi ka noh. lam mo kung bakit? dahil sa dami dami ng lalaki sa mundo e xa lang natikman mo. payag ka nun? explore gurl!

* wag kang iinom ng di mo kaya. wala kang mapapala. di mo malilimutan yung hapdi na ginawa niya sau. ang tanging bagay lang na malilimutan mo e yung mga k*t*rantaduhang ginawa mo habang lasing ka. hindi masusulusyunan ng isa o kahit ilan pang bote ng alcohol yang problema mo.

* kung tips sa pagpapakamatay ang hanap mo, ang pinaka magandang solusyon ay pagpapanggap. yung tipong friends forever kuno kau. kwento niya yung bago niya. ipagyayabang niya kung gaano kaganda, kasexy, kabaet, katalino, kayaman, kasweet at lahat ng oposit mo ung girl niya. anong kamatay matay dun? edi yung pagpapanggap mo na napakasaya mo para sa kanya kahit gusto mo na xang hilahin sa impyerno.

* wag kang magpanggap na masaya ka. tanggapin mo na lang. kahit unti unti. wag kang maging plastik sa sarili mo. loka. baka magulat ka isang araw hindi mo na kilala kung sino ka. magpakatotoo ka. walang masama dun. pero hinay lang at baka may nasisipa ka na jan.

* wag kang maghabol. wag ka umasang babalik pa yan. lalaki lang ulo niya. magiging feeling xa. gusto mo?

* hindi masarap ang pride. actually, nakakalason. wala akong kilala na naging masaya sa pagkain ng pride niya.

* kung babalik yan, magingat ka. kung nagawa na niya sau un, kaya niyang gawin uli un. wag ka maniwala kaagad na nagbago at nagsisisi xa. mas masakit kapag second time na niloko ka nya.

* pero wag mong isara ang puso mo sa kanya. malay mo nagbago at narealize na niya ung pagkakamali niya. hmm. ay wait. ERASE ERASE!!

* higit sa lahat. wag mong isasara ang puso mo sa ibang lalaki. wag mong sabihin na di ka na magmamahal muli. sa ngayon siguro, oo, masasabi mo yan pero pag mei nakasabay kang gwapong lalaki sa jeep e parang nalimutan mo na isinumpa mo ang lahat ng mga lalaki. maiisip mo, 'di naman lahat ng lalaki katulad ng ex ko.' HAHA. t*nga!

THE ULTIMATE BOB ONG QUOTES COLLECTION

Eto pala ang mga quotes na ayon raw sa mga sources ko ay mga quotes daw galing kay Bob Ong.... hindi ko alam kung lahat eh galing sa mga libro nya kasi to be honest, di ko pa nababasa lahat... Pero infairness,akalain mo yun, napagtygaan kong itype at iresearch ang mga yan!
Well... ENJOY! :D

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.

Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang mawala sa buhay ko.

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.


Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkarron ng lahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.

Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?

Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.

Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.

Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?



Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.

Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso angtenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.

Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.

Kahit ikaw ay parang batong manhid at walang pakiramdam, magingat- ingat ka naman dahil kahit ganyan ka hindi nasasaktan kaya mo namang makasakit.

Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?

Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.


Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.

Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…

Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.

Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.

Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.

Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.

Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.

Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.

Hell ang high school. Cool.

Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.

Masuwerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e ay dumadaan sa kamusmusan.

Hindi ako takot na malaman ang pananaw nila, dahi sa huli opinyon ko rin naman ang masusunod.

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila? Kailangan nila libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN nila.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Ang pag-ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.

Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.

Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.

Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?

Paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.


Parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka.

Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. Nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume' nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo.

Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya daang taon.

Handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?

Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.

Muntik akong madisgrasya paglabas ng eskwelahan. wala ako sa sarili. doon ko lang nalaman na ganon pala ang college. Gaguhan.

Mas madali pang ulitin ang isang subject kesa maghunting ng teacher para magcompletion.

Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.

Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas.

Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.

Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.

Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.

Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.

Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

Sumama ka sa mabuti hindi sa mabait. Sumama ka sa marunong hindi sa matalino. Sumama ka sa mahal ka hindi sa gusto ko.

Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?

Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.

Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n’ya e hindi nagkasala ng panggagaya.

Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila hindi uso at hindi in.

Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.

Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!

Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.

Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.

Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?

Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.


Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata..

Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo.

Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao.

Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahil ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko.

Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon.

Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.

Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka"
kung totoo yun,patunayan nya.

Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?

hayaang maisip ko na may sarili din akong barko. obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko

kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume' nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo.

kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.

Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung
ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.



iba ang informal gramar sa mali!



Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.

Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!



Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nakatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..


Ano ang talino kung walang disiplina?

Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.



Minsan, may mga bagay na hindi nakikita. Sabi nila, kailangan mo raw makita ang mga bagay na iyon para patunayan na totoo nga sila. Pero naniniwala ako na may mga bagay na kahit hindi nakikita eh totoo. At para sa akin, mas higit silang mahalaga kaysa sa mga bagay na nakikita…

Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan..kahit na mag- stop over ka pa.

Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!

Ang love parang bubble gum lang yan, na kahit anung klaseng ngaya ang gawin mo... Darating at darating pa rin sa puntong mawawalan ito ng tamis... nasa sa iyo na lang kung papalobohin mo ito upang paglaruan, idikit upang iwan kung saan o lunukin upang tuluyang tuluyang maging bahagi ng iyong katawan...

Posibleng sa bawat pagkakamali ay makukuha pa nating magpatawad muli. Pero kung ihahalintulad mo sa isang bagay... Hindi naman siguro sa tuwing mabubutas ang shorts mo ay pagtityagaan mo pa ring tahiin ito.
Hello sa inyo!

Probably eto ang last post ko na may pasok pa ako sa school for the year 2009. And whew, andaming nangyari for the past 12 months! Hindi ko inakalang ganun kafully-loaded ang taon na ito… at kung anuman ang mga yun ay hindi ko na rin iisa-isahin pa dahil di naman ako magtatagal na kaharap itong computer na ito.

Actually nagttype ako ditto sa computer lab ng aming school, saying naman kasi ito. Hehe. Saka nagrab ko na rin ang opportunity habang okay pa ang internet. May mga pagkakataon kasing slow ang connection ng internet eh.

Anyway, I had my interview yesterday about the OJT Singapore. And infairness okay lang yung interview, not bad. Hopefuuly matanggap. Pag nagkataon, makakarating na ako ng iabang bansa!

Well hanggang dyan na muna. Basta update ko na lang kayo dito sa blog every now and then. TC!

Monday, December 14, 2009

I'M BACK!

Good day sa inyo!

I’m back from posting on my blog, at last. At kung bakit hindi rin ako nakapagpost ng matagal ay dahil na rin walang time para magtype sa blog at kung mayroon man ay madalas friendster, facebook, mixpod at pinoyexchange ang pinapasukan kong sites. Saka walang masyadong interesting sa life ko nowadays. Ayoko magkwento ng mga frustrations ko sa buhay. Tsk!

Ang hirap magtype sa keyboard ko ngayon. Hay! Till next time na lang. :D TC!

Friday, August 7, 2009

HINDI AKO STALKER!

Isang magandang gabi sa inyong lahat.
Parang hindi ko magawang maexplain ang araw ko ngayon. Sobrang naghalo kasi eh. Sinasabi ko na kasi sa sarili ko eh, I really knew it from the start. Masasaktan talaga ako pagdating sa mga crush crush na yan, KAYA DON’T LOVE DEEPLY. Pero parang ewan itong damdamin ko, parang hindi sila nagkakasundo ng isip ko…tsk!

Parang for the whole week (except nung Wednesday kasi holiday), lagi ko syang nakikita. Kahit hindi naman intentional, parang ganun pa din. May mga iba pa nga na talagang ginagawan ko ng paraan para magkita kami eh. Oo nagmumukha na rin akong stalker minsan, pero hindi ako stalker. Parang lang. Hahahaha!

Hindi ko pa rin maidescribe sa sarili ko kung anong klaseng facial expression ang ipapakita ko mula nung makita ko sya kaninang around 6pm sa Supermagic. At pinansin nya talaga ako ha! Kaso paalis na sya nun, at may kasama pala syang Nursing student na lalaki. Wala lang, as if naman nagseselos ako. Pero oo, para ngang nagseselos ako, sinundan ko eh. Kaso nung hindi ko na sila makita, pumunta na lang ako sa pupuntahan ko. Ayoko nga naman na sundan ko pa sya, mahahalata nang kinda possessed na ako sa kanya eh.

Samantala, narealize ko lang… paano kaya kapag natapos ko na ang two-year HRM ko eh magshift ako ng course…at naiisip ko na… EDUCATION ang itatake ko! Hehehe. Actually, it was my own decision, though parang may influence ang mga instructors namin. Saka hindi ko na masyadong ramdam ang kasiyahan ko sa HRM, lalo na yung major subjects ko ngayon… nadidiscourage na talaga ako. Tapos parang may something sa mga kaklase ko which I don’t like. And I’m very very sorry kung may maooffend man sa mga sinabi ko.
Basta ayun, ‘di pa naman final yun hangga’t ‘di pa dumarating ang takdang panahon. Kumbaga, I’ll just cross the bridge when I’ll get there. Basta yun lang muna.
Osya, happy weekend!

Tuesday, August 4, 2009

well! (part two)

Part two lang sa post ko kanina. Hahaha!
Ayun, apat na beses ko ba naman sya nakita kanina. And I guess may hint na sya about the issue (na crush ko siya).
First time ko syang nakita between 7-8am, habang nasa Xerox stall kami nila Armenia (batchmate ko nung HS), kasi nakikita ko sya sa may eatery habang umiinom ng Tropicana at naghihithit-buga. Tsk! If not mistaken, Marlboro gold ata yun, wild guess lang. haha! At habang pasulyap-sulyap ako sa kanya, napansin ko syang tumingin sa akin! Pero syempre feel ko parang wala lang, hindi naman rin ako nagpapahalata eh.

Second time is nung lunchtime, almost 11am yung time na yun. Dun pa rin sa eatery na yun. At nakita ko na naman sya, kasama yung mga kabarkada nya. Pero syempre di ako nagpapansin sa kanya, ayoko nga ng ganun. Ayoko rin kasing maasiwa sya sa akin eh. Wala lang, parang kumain lang ako…tapos! Pero syempre with matching sulyap din unti pero mabilisan lang ang pagkain ko…

Third and the most disastrous! Sa Collegian office, around 1pm. Masakit nga ang ulo ko, since kulang din ako sa tulog. Eh sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko na naman sya sa baggage counter ng library. Shocks, nagrereview pa naman ako that time para sa Food Microbiology namin. Tuloy hindi ako makapagconcentrate sa nirereview ko. Siya na ang nagsisink-in sa utak ko… hahaha!

Fourth and the most unexpected… sa baba ng Science Building! Nakita ko na naman sya nang hindi inaasahan bago ang English class namin. At talagang nagmamadali ata syang umuwi ah! Pero syempre hindi ko na nagawang sumunod. Ayoko nga magmukhang stalker!

Pero after all, masaya pa rin kasi dapat may pasok bukas, dineclare pang special non-working holiday. Dapat within Tuesday and Thrusday lang. Masaya kaya ang klase pag MWF. Kaso ayun, since ililibing nga si Ex-President Cory Aquino, wala rin akong magagawa. Lagi naman syang mananatili sa puso’t isipan ko eh…charing!!!!!!!!

Sige hanggang dyan na muna. Report ko na lang ditto in case may mga bagong happenings sa kwento namin. TC!

well!

Hello ulet!

Waaaaaaaaaaaaaah, ang exage ha! Four times ko syang nakita kanina. Grabe talaga! Hindi ko talaga inexpect yun. Nakakainis na nga rin eh, may mga pagkakataon kasi na kahit hindi naman napapanahon para makita ko sya, pero lagi ko naman syang nakikita. Sabagay, mga taga College of Education kasi mga pinakikisamahan ko lately, kaya hindi talaga maiiwasan yun. Ayoko naman isakripisyo ang pakikisama ko sa kanila alang-alang lang sa iisang tao, saka aware na rin yung iba na crush ko yung taong yun… hindi lang ako nagpapahalata lalo na pag sa harapan nya. Pero infairness, naiinspire talaga ako pag nakikita ko sya. Hindi lang halata minsan na kinikilig ako, wala naming dahilan para kiligin eh, buti sana kung lahat ng move eh sya ang gumagawa.

Saka inspirasyon ko lang muna sya ngayon. Kaya nga sobrang pinag-iingat ang sarili ko, nang sa gayon ay hindi ako mainlove. ‘Di ba??

Naalala ko tuloy nung nakatext ko yung kaklase ko nung minsan, mali yung naireply ko! Eh iniisip ko pa naman sya that time… kaya tuloy napagkamalan akong inlove… adik! ‘Di ako inlove, ‘di ako inlove, ‘di ako inlove! INSPIRED LANG AKO!

Sa iba pang mga matters, maniniwala ba klayo kung 10% lang ang parte ng crush ko kaya ko nasabi sa mama ko na kapag hindi ako mag-oOJT this August, magsishift ako ng Education! Hahaha. Kinda weird ang desisyon ko, pero hindi pa sya final. Pinag-iisipan ko pa kasi kung kakayanin ko ang mga gagawin ko kapag nag-aral na ako ng Education… though ayun narealize ko na masaya din naman. In fact, hindi na ako ganun kasaya ang pakikisama ko sa mga kaklase ko.. kumpara sa mga dati kong mga kaklase bago pa man ako huminto. Para kasing may ewan sa pag-uugali nila… at parang may mga iba na ayaw sa akin. Tsk!

wait lang may continuation pa ito. hahaha!